Kasaysayan Ng Wikang FilipinoBy : Christian Gali
Ang tao, bukod sa talino ay ganap na biniyayaan ng Diyos ng kakayahang makapagsalita.Anupat ang naging saltik ng kanyang dila ay tinawag na wika.Ang wikang sapul nang matutuhan niyang sambitin ay naging napakahalaga kahit ito’y naging isang pinak-karaniwang gamitin niya sa araw-araw dahil ito ang nag-uudyok sa kanyang makipagkapwa.
Ngunit ano man ang iyong nakagisnang wika marapat lamang na tangkilikin natin at gamitin ang ating wikang pambansa sapagkat dito nagsisimula ang pagkakaugnay-ugnay at pagkakaisa ng mga mamamayan ng isang bansa.
Higit kanino man ang naging Pangulong Manuel Luis Quezon ang lalong masigasig at walang pag-aatubili sa pagpupunyagi’t pagtataguyod upang magkaroon ng Wikang Pambansa.Sa kanyang walang kapantay na pagsusumikap, siya’y tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa.”kalabisan nang liwanagin pa”anya “ang pahayag na ang isang bayang bumubuo sa isang kabansaan at isang estado ay magkaroon ng isang wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat. Ito’y nasa pinaka-matibay na buklod na bumubigkis sa bayan at nagpapaunlad sa ipagkakaisa ng mga pambansang mithiin, lunggati at damdamin.
Ang pagkakroon ng isang Wikang Pambansa ay malinaw na nakasaad sa saligang batas 1978 ay matiyak na tadhana tungkol sa wika at ito ay matatagpuan sa Artikulo XIV,Seksyon 6 at Seksyon 7.
Ang wikang pambansa ng Pilipinas,samantalang nalilinang,ito’y dapat ipagyabang at pagyamanin sa umuunlad na Wika sa Filipino at ibang Wika. Alinsunod sa mga tadhanang batas at sang-ayon sa nararapat na maaring ipasya ng kongreso,dapat maghanda ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang panturo sa alinmang edukasyon.Seksyon 7,ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo,ang opisyal na wika sa Pilipinas ay Filipino at hanggang ang batas ay hindi pa nagtatadhana ng iba.
Maraming mga hakahaka at katanungan kung bakit tinawag na Filipino at hindi Pilipino.Nakagisnan na nating Pilipino ang wikang pambansang itinuturo sa mga paaralan.Lahat ng mag-aaral ay inaasahang gumamit ng wikang ito.
Kasaysayan Ng Wikang Fiipino
By : Christian Gali
Noong Nobyembre 13, 1936, inilikha ng unang Pambansang Asamblea ang Surian ng Wikang Pambansa, na pinili ang Tagalog bilang batayan ng isang bagong pambansang wika. Naimpluwensyahan ang pagpili sa Tagalog ng mga sumusunod:
- Sinasalita ang Tagalog ng napakaraming tao at ito ang wikang pinakanauunawaan sa lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas. Papadaliin at pabubutihin nito ang komunikasyon sa mga taumbayan ng kapuluan.
- Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya.
- Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinakamayaman at ang pinakamaunlad at malawak (sinasalamin ang dyalektong Toskano ng Italyano). Higit na mararaming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang mga katutubong wikang Awstronesyo.
- Ito ang wika ng Maynila, ang kabiserang pampolitika at pang-ekonomiya ng Pilipinas.
- Ito ang wika ng Himagsikan at ng Katipunan—dalawang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.
Noong 1959, nakilala ang wikang ito bilang Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan nito sa mga Tagalog. Nagtakda naman ang Saligang Batas ng 1973 ng panibagong pambansang wikang papalit sa Pilipino, isang wikang itinawag nitong Filipino.
Hindi binanggit sa artikulong tumutukoy, Artikulo XV, Seksyon 3(2), na Tagalog/Pilipino ang batayan ng Filipino; nanawagan ito sa halip sa Pambansang Asamblea na mag-“take steps towards the development and formal adoption of a common national language to be known as Filipino.” Gayundin, nilaktawan ng Artikulo XIV, Seksyon 6, ng Saligang Batas ng 1987, na ipinagbisa matapos ng pagpapatalsik kay Ferdinand Marcos, ang anumang pagbabanggit ng Tagalog bilang batayan ng Filipino at mismong ipinagpatuloy na “as [Filipino] evolves, it shall be further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other languages (pagbibigay-diin idinagdag).” Tiniyak pa ng isang resolusyon ng Mayo 13, 1992, na ang Filipino “ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo(pagbibigay diin idinagdag).”
Gayumpaman, tulad ng mga Saligang Batas ng 1973 at 1987, hindi nito ginawang kilalanin ang wikang ito bilang Tagalog at, dahil doon, ang Filipino ay, sa teoriya, maaaring maging anumang katutubong wikang Awstronesyo, kasama na ang Sugboanon ayon sa paggamit ng mga taga-Kalakhang Cebu at Davao. Ididineklara ang buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wikang Pambansa
Sources Salamat Sa :
Wikipedia. Org
Yahoo Answers
College of Apayao Thesis
Iphone 3G
HP Mini
Maraming Salamat Sa Pagpapaunlak :)
Christian Gai - BCS12